Welcome to KIRA's world!

KIRAKIRAKIRAKIRAKIRAKIRAKIRAKIRAKIRAKIRAKIRAKIRAKIRAKIRA

Thursday, July 2, 2009

Ako?


Nakaupo ako sa may sacred place sa school na tinatawag nilang dambana... Nag-iisa at nagmumuni-muni, naisip ko lang, "Ano nga ba ang purpose ko dito sa mundo?" Mistulang isang napakalakas na huni ng kampana ang aking narinig sa aking kaloob-looban. Ako, tao. Ako, anak ng mga magulang ko. Ako, kaibagan ng mga kaibigan ko. Ako, ako at ako. Iniisip ko kung bakit ako naging ganito. Bakit sila ganoon. Hindi ko sila katulad. Minsan nga iniisip ko, baka hindi ako tagarito. Ako, naiiba. Kumbaga sa games, sa SPOT THE DIFFERENCE ako nabibilang.

Maraming beses naring nasubok ang aking katauhan, simula pagkabata hanggang sa ngayon. Pagsubok tulad ng, mapagbintangan, makompronta, mabangga, matisod, madapa, masangkot sa gulo, maaksidente, mahulog, mapag-tripan, maabuso, masuntok,/mabugbog mabagsak, maitakwil, makalimutan, mabalewala at makutya at iba pa. Pero sa lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko, heto pa rin ako nakatayo pero malapit ng SUMUKO.

Naisip ko rin, bakit kaya ako naging ganito, bakit hindi nalang kayo, sila, o kahit sino pa. Pero kahit papaano masaya pa rin ako, dahil siguro nararamdam kong kahit papaano may mga nagmamahal sa akin, mga kaibigan at pamilya. Pero ewan ko lang kung may mga kaibigan akong pinagtatawanan ako sa aking likuran, pero ok lang basta huwag ko lang malalaman at masaktan ang aking kalooban.

Labingwalong taon narin akong nabubuhay sa mundong ito, pero ni minsan di ko pa naranasang makamit ang aking mga inaasam. Sanay ako sa kahirapan, kahit pagtawanan, KIBER! ganito ako... pero kahit ganun alam kong balang araw makakamit ko rin ang magandang buhay. Pero paano?...

Gusto ko maaga akong mamatay, mga 25 or 28. Kung iisipin mabuti na iyon para di na ako makaranas ng iba pang mga pait ng buhay. Pero paano nga pala ang mga magagandang bagay na pwede ko pang makamit at maramdaman kung ako'y patuloy na mabubuhay. Ah, basta, kung sabagay hidi ko naman hawak ang aking kapalaran.

Problema, lapitin ako niyan. Pero sabi ko nga kaya kong lutasin ang lahat ng yan, gaya ngayon, marami akong hinaharap na mga problema, sa school, sa friends at sa family. Sanay narin ako sa mga pambabastos at pangungutya na galing sa mg bibig ng iba't-ibang tao. Minsan nga nung sumakay ako ng bus pauwi sa amin sabi ng kundoktor, "hindi kami nagsasakay n bakla", ayun bumaba ako kahit kalahating kilometro pa ang layo ko mula sa aking pinanggalingan. Mahilig akong mag-isa lalo na sa school, medyo nahihiya kasi akong makisalamuha lalo't alam kong ako'y naiiba.

Ngayon, malaya na ang aking kalooban at isipan na harapin ang mga bagong pagsubok at mga katanungang bumabagabag sa aking isipan. Sa mga makakabasa nito, alam kong iisipin niyong feeling ako (at alam kong marami ang pupuna sa aking mga inilathala, pero kalayaan ko 'to, at akin 'to) pero kahit ano pang isipin niyo at kahit tumambling pa kayo habang binabasa niyo ito o kahit mag-split pa kayo at gumulong-gulong hanggang sa kayo'y mahilo, KIBER to the 10th power, AKO ito at wala nang makakapagbago...


ETCHOS. . .

No comments: